Pinsala sa agrikultura at imprastraktura ng bagyong Lando, umabot na sa mahigit 6-bilyong piso

by Radyo La Verdad | October 21, 2015 (Wednesday) | 4132

LANDO-DAMAGES
Sa update ng NDRRMC, nasa mahigit anim na bilyong pisong halaga na ng agrikultura at imprastraktura ang nasira ng pananalasa ng bagyong Lando sa bansa.

Pinakamalaking pinsala ay naitala sa mga palayan na umaabot sa mahigit limang bilyong piso,88.3 million pesos naman sa maisan , at nasa five hundred twenty eight thousand pesos namansa mga high value crop.

Milyong-milyong pisong halagang rin ng mga palaisdaan at livestock ang napinsala dahil sa mga pagbaha at malalakas nitong mga nakalipas na araw.
Habang nasa mahigit limang daang milyong pisong halaga sa imprastraktura ang nasira dahil sa bagyo.

Nanatiling namang wala pa ring suplay ng kuryente ang mga lalawigan ng Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Kalinga at Mt.Province.

Sa ngayon ay naibalik na sa normal na komunikasyon sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

Ngunit may ilang lugar pa rin ang nahihirapang mahatiran ng tulong dahil hindi pa rin madaanan ang nasa 140 mga kalsada at 28 tulay nanapinsalang kalamidad.

Samantala, nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi na umaabot na sa 26 habang nasa 18 na ang naitalang sugatan.

Natagpuan na rin ang una napabalita na nawawala na sinasabing natangay ng malakas na agos ng tubig sa isang ilog sa Abra, ngunit ngayon ay kabilang na ito na sa mga kumpirmadong nasawi.

Patuloy namang tumataas ang bilang ng mga naapektuhan pamilya na umaabot na ngayon sa halos dalawang daang libo.

Ngunit may ilang evacuee na ang pinayagan ng umuwi sa kani-kanilang bahay partikular na sa Cavite, Laguna, Quezon at Rizal. ( Joan Nano / UNTV News)

Tags: , , , ,