Pinsala ng Typhoon Egay sa bansa, umabot na sa P53.1-M

by Radyo La Verdad | July 28, 2023 (Friday) | 5024

METRO MANILA – Umabot na sa P53.1-M ang pinsala ng typhoon Egay sa agrikultura ng bansa.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), kabilang dito ang sa Cordillera Administrative Region, Calabarzon, Mimaropa, at Eastern Visayas.

Apektado nito ang nasa 1,800 metriko tonelada ng palay at mais. Gayundin ang mga livestock at poultry.

Mahigit sa 2,000 na mga magsasaka naman ang naapektuhan ni Egay.

Ayon naman sa DA may nakahandang tulong sa mga apektado kabilang na ang mga buto ng palay at gulay, mga gamot para sa mga alagang hayop, at financial assistance na aabot sa P25,000 .

Tags: , , ,