MANILA, Philippines – Umabot na sa P47 M ang halaga ng pinsala ng nangyaring lindol sa Batanes noong Sabado.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kabilang sa nagtamo ng malaking pinsala ang Itbayat District Hospital.
15 bahay rin ang nasira ng lindol at aabot naman sa mahiigt 900 pamilya ang apektado.
Samantala patuloy naman ang pagpapaabot ng tulong ng pamahalaan sa mga residente ng Batanes.
“Mga tent, generators, food packs, hygiene kit, lahat po ‘yan pinadala natin.” ani NDRRMC Spokesperson Mark Timbal.
“The regional directors is already there at helping yung pagbibigay ng releif goods, pagsuporta at of course yung paglilinis ng debris at yung mga nasira doon” ani PNP Chief Police General Oscar Albayalde.
(Lea Ylagan | Untv News)
Tags: Batanes, earthquake, NDRRMC