Pinsala ng Bagyong Tisoy sa agrikultura sa Calabarzon at Bicol, umabot na sa mahigit P530-M

by Erika Endraca | December 5, 2019 (Thursday) | 6202

METRO MANILA – Umabot na sa mahigit sa P530-M ang naitalang pinsala ng Department of Agriculture (DA) sa agrikultura sa Calabarzon at Bicol Region kaugnay sa pananalasa ng Bagyong Tisoy.

Base sa inisyal na ulat ng kagawaran, apektado nito ang mahigit sa 3,800 magsasaka na may mahigit sa 14 na libong ektarya ng sakahan.

Nasira ang mga pananim na palay, mais at iba pang high value crops. Ayon sa (DA), may mga nakahanda nang binhi para sa muling makapagtanim ang mga magsasaka.

Samantala, may nakalaang P250-M na quick response fund ang DA para sa rehabilitasyon ng mga naapektuhan ng bagyo.

Bukod pa ito sa P65-M pondo para sa survival recovery o sure program ng agricultural credit policy council. Nakahanda rin ang Philippine Crop Insurance Corporation para bayaran ang mga nasirang pananim.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: ,