Pinsala ng Bagyong Ompong sa mga palayan at palaisdaan sa Candaba Pampanga, umabot na sa P100M

by Radyo La Verdad | September 21, 2018 (Friday) | 5526

Kilala ang Candaba, Pampanga na ang pangunahing hanapbuhay ay ang pagsasaka at pangingisda, subalit nang dumating ang Bagyong Ompong ay nagmistulang dagat na ang mga palayan dito dahil sa sobrang taas ng tubig.

Sa mga palayan ay aabot ng 15 ft ang tubig at sa palaisdaan naman ay aabot ng 20 ft ang lalim ng tubig.

Bagaman hindi dito ang sentro ng bagyo, ang tubig na nanggagaling sa Aurora, Nueva Ecija ay bumababa at umaagos sa Pampanga River.

Kasalukuyang nasa state of calamity ang Candaba dahil aabot na sa dalawampu’t tatlong mga barangay ang apektado ng pagbaha.

Tinatayang aabot sa mahigit 148 milyong piso ang nasirang pananim, livestock, fisheries at high value crops dahil sa pagbaha sa lugar.

Samantala, namahagi ng relief goods ang lokal na pamahalaan ng Pampanga sa mga residente ng Candaba, Pampanga.

 

( Leslie Huidem / UNTV Correspondent )

Tags: , ,