Pinsala ng bagyong Karding sa agrikultura, umabot na sa P141M

by Radyo La Verdad | September 27, 2022 (Tuesday) | 13463

METRO MANILA – Batay sa datos ng Department of Agriculture (DA) nasa P141-M na ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyong Karding sa agrikultura sa bansa.

Nasa 740 na mga magsasaka ang naapektuhan at 16,299 ektarya ng agricultural areas.

Kasama sa mga nasira ng bagyo ang palay, mais at gulay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Central Luzon, at Calabarzon.

Sa Nueva Ecija dumapa ang mga palay na malapit na sanang anihin. Top producer ang Nueva Ecija pagdating sa produksyon ng palay sa bansa.

Ayon naman sa DA, may nakahanda naman silang binhi at iba pang ayuda para sa mga naapektuhan ng bagyo.

Tags: , ,