Pinsala ng Bagyong Josie at habagat sa Bataan, tinatayang aabot na sa P95M

by Radyo La Verdad | July 25, 2018 (Wednesday) | 9256

Malaking pinsala ang inabot ng Bataan dahil sa Bagyong Josie at habagat.

Sa taya ng Provincial Agriculture Office at proffesional employer organization (PEO). Nasa mahigit 95 milyong piso na ang pinsala sa sektok ng agrikultura at mga ari-arian. Baha pa rin sa malaking bahagi ng lalawigan.

Aabot sa lagpas tao ang baha sa ilang bahagi ng mga bayan ng Dinalupihan, Hermosa, Balanga City at Pilar.

Nasa state of calamity na ang bayan ng Balanga at Dinalupihan sa Bataan.

Umabot sa mahigit 73,000 na indibidwal o halos 40,000 na pamilya ang naapektuhan ng Bagyong Josie at habagat. Mahigit apat na libong indibidwal ang nanatili pa rin sa mga evacuation centers.

Bagaman humupa na ang baha sa ilang lugar, nasa dalawang daan at anim na barangay ang lubog pa rin sa baha. Anim naman ang naitalang namatay dulot ng pagkalunod at kuryente.

Umaabot na sa 19,606 ang nabigyan ng relief goods ng lokal na pamahalaan.

Ngayong araw ay may pasok na sa Bataan maliban sa bayan ng Abucay na suspendido pa rin para makapaglinis pa sa mga eskwelahan.

 

( Alfredo Ocampo / UNTV Correspondent )

Tags: , ,