Pinoy, hinirang na valedictorian sa isang college sa Montreal, Canada

by Radyo La Verdad | July 2, 2018 (Monday) | 11158

Simple at mababang loob, ganito inilarawan ng kaniyang mga kapatid si Krestorv Fugaban.

Pero ang simpleng binata, nagbigay ng karangalan sa kaniyang pamilya matapos hirangin na valedictorian ng 2018 Class of Industrial Electronics ng Vanier College.

Pero hindi madali ang pinagdaanan ng pamilya ni Krestorv nang dumating sila sa Canada. Kaya naman nagsumikap si Krez upang makatapos ng pag-aaral.

Bilang isang estudyante naging peer tutor din siya ng english, industrial electronics at advance math sa kanyang mga classmate. Marami ang humanga sa naging achievement ng binata. Kahit abala sa pag-aaral, hindi naman nito pinababayaan ang paglilingkod sa Maykapal.

Aktibo sa mga gawain ng Members Church of God International (MCGI) bilang miyembro ng Teatro Kristiyano.

Ayon kay Krez, sa kabila ng hirap na pinagdaanan ng kaniyang pamilya sa pagmigrate sa Canada, laging nasa puso niya ang mga aral na natututunan mula kay Bro. Eli Soriano at Kuya Daniel Razon. Siya ay correspondent rin ng UNTV sa Canada.

Sa darating na semester ay ipagpapatuloy ni Krez ang kanyang pag-aaral ng kursong electrical engineering sa Concordia University sa Canada.

 

( Anna Toreja / UNTV Correspondent )

Tags: , ,