Pinasala sa agrikultura ng Bagyong Rosita, umabot na sa mahigit P400-M

by Radyo La Verdad | November 5, 2018 (Monday) | 34579

Umakyat na sa mahigit four hundred two million pesos ang pinsala ng Bagyong Rosita sa agrikultura sa bansa partikular na Region II at Cordillera Administrative Region (CAR).

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 317 million pesos dito ay sa high value commercial crops ng CAR.

Habang mahigit twelve million pesos naman sa fisheries, mga pasilidad at equipment ang pinsala sa Rehiyon 2 at seventy two million ay sa mga irigasyon.

Tatlong munisipalidad na rin ang isinailaim sa state of calamity, ito ay ang mga bayan ng Mayayao at Lamut sa Ifugao at Barlig sa Mountain Province.

Tags: , ,