Pinakaunang nasawi sa 2019 nCoV sa labas ng China naitala sa Pilipinas

by Erika Endraca | February 3, 2020 (Monday) | 1437

METRO MANILA, Kinumpirma ng Department Of Health (DOH) na nasawi na ang ikalawang Chinese na nagpositibo sa 2019 Novel Corona Virus.

“This is the first reported death outside china,” ani WHO Representative Rabindra Abeyasinghe.

Ang 44 anyos na lalaking biktima ay na-admit sa isang government hospital sa Maynila noong January 25. Nakaramas umano ito ng pulmonya, lagnat, ubo at pamamaga ng lalamunan.

“In his last few days, the patient was stable and showed signs of improvement. However, the condition of the patient deteriorated within the last 24 hours, resulting in his demise.” ani DOH Sec Francisco Duque III.

Ang pasyenteng nasawi ay sinasabing kasamahan rin ng 38 anyos na babaeng unang nagpositibo sa 2019 nCoV dito sa Pilipinas.

Samantala nag-negatibo naman sa 2019 nCoV ang 23 Patients Under Investigation (PUI) ay ayon sa Research Institute For Tropical Medicine (RITM).

Gayunman hinihintay pa ng ahensya ang resulta sa test ng 4 pang natitirang PUI.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: