Binuksan na sa Zamboanga city ang itinuturing na pinakamoderno at pinakamalaking Integrated Bus Terminal sa Mindanao.
Ito ay itinayo sa 3.2 hectare na lupang pag-aari ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga at nagkakahalaga ng mahigit one hundred seventy five million pesos.
May waiting area na kapwa may holding at parking bays.
Limang comfort room stations, breastfeeding room, clinic at mga stall para sa mga business concessionaire.
Mayroon din itong sariling scanning machine na karaniwang nakikita sa mga airport.
Umaasa naman ang lokal na pamahalaan na maging maayos ang operasyon nito at makatulong sa pagpapalago ng ekonomiya ng siyudad.
Tags: Intergrated Bus Terminal, Mindanao, pinakamalaking, Pinakamoderno, Zamboanga city