Pinakamatas na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa loob ng 1 araw, naitala kahapon ng DOH

by Erika Endraca | May 29, 2020 (Friday) | 4341

METRO MANILA – Naitala kahapon (May 28) ng Department of Health (DOH) ang 539 na bagong kaso ng COVID-19.

Ito ang pinakamataas na bilang na nadagdag sa loob ng isang araw mula nang nagkaroon ng COVID-19 cases sa bansa.

Ikinagulat ito ng publiko dahil kapansin- pansin ang pagtaas ng kaso kung kailan niluluwagan na ang communtiy restrictions ng pamahalaan.

Paliwanag ng DOH, ang mataas na bilang ay bunsod ng lumawak na kapasidad ng DOH sa case validation dahil nadagdagan na ang mga personnel na gumagawa nito.

Matatandaang iniulat ng DOH na kulang sila sa tao kaya naman madaming natetenggang kaso na kailangan pang – ivalidate.

Paliwanag pa ng kagawaran, kaya matagal din ang validation process ay isa- isang tinatawagan ng mga Disease Surveillance Officers (DSOs) ang mga pasyente, hospital at testing laboratory kapag hindi kumpleto ang impormasyon nakalagay sa mga Case Investigation Form (CIF).

Ayon kay DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire  na sa mga susunod na araw, pa makikita ang bilang ng mga madagdag na kaso pagkatapos ma- validate ang mga natapos nang COVID-19 tests backlog sa mahigit 40 laboratoryo sa bansa.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,