METRO MANILA – Batay sa tala ng Department Of Health (DOH), noong Sabado (August 28), 19, 441 ang naitalang bilang ng COVID-19 infections sa buong bansa.
Ito na ang pinakamataas na bilang ng kaso sa loob ng isang araw ngayong 2021 .
Kahapon (August 29) naman, araw ng linggo ay naitala ang 18, 528 na mga bagong kaso
Sa kabuuan, 143, 221 na ang active cases sa Pilipinas
Ito ang mga taong may potensyal na makapanghawa sa iba at nagpapagaling pa sa mga pagamutan
Nasa 1, 954, 023 na rin ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa simula nang magkaroon ng pandemya.
Ayon sa DOH, asahan na tataas pa ang COVID-19 cases sa bansa sa mga susunod na lingo.
Sa NCR pa lamang, posibleng umabot sa 80,000 ang active cases sa katapusan ng agosto
Ito ay kahit pa nagpatupad ng dalawang linggong enhanced community quarantine sa rehiyon
“Ang mobility po ng ating mga kabbayan o ng mga tao ay tumaas nitong mga nakaraag linggo bagay na maaaring makaaepekto sa bilang nga mga kaso natin sa mga susunod na araw “ ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.
“Iniulat din ng DOH kahapon ang mga bagong kaso ng COVID-19 variants na natagpuan sa bansa, nangunguna na rito ang Delta variant na 516” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.
81 ay beta variant, 73 ay alpha variant at 41 p.3 variant alerts for further monitoring.
Muli namang paalala sa lahat ng kagawaran, mag- doble ingat dahil sa paglaganap ng hawaan dulot ng delta COVID-19 variant
“Nakikiusap po kami sa ating mga kababayan the frist time agad- agad makaramdam kayo ng kahit anong sintomas related to covid pls isolate yourself, call your local governments so that we can immediately isolate you or you can be able to have your home quarantine upang maputol po natin ang transmision sa ating komunidad” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.
Dagdag pa ng DOH, magpabakuna na ang mga kabilang sa priority sector upang magkaroon ng isa pang layer ng proteksyon kontra COVID-19 kasabay ng pagsunod sa public health standards.
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: Covid-19