METRO MANILA – Maituturing na record high ang 401 COVID-19 death toll noong Biyernes (April 9).
Paliwanag ng Department Of Health (DOH), mataas talaga ang death cases ngayon sa Pilipinas lalo’t patuloy ang validation ng mga kaso mula sa ulat ng mga local government at mga ospital.
Kasama na rin sa datos ang mga nasawi nitong mga nakalipas na buwan.
“Nakikita po natin that the number of deaths are increasing. Ito pong 401 na ito, 11% or 45 happened in february, 72% or 287 happened in march, and 49 or 12% happened in April. Pero kapag tinignan natin recent naman po, itong march and April, and we can see really that the cases of deaths are increasing.”ani Usec Spokesperson, Maria Rosario Vergeire.
Batay sa datos ng DOH, karamihan ng death cases ay naatala sa Region 3 , Region 4a , NCR at Region 7.
Samantala, ipinaliwang naman ng FDA at DOH na hindi dahil sa COVID-19 vaccine ang ikinamatay ng isang 54 years old na lalaki sa Caloocan City.
Lumabas sa ulat ng regional at ng national adverse events following immunization committee na hindi ang COVID-19 vaccine ang sanhi ng stroke nito.
Wala umanong kaugnayan sa bakuna ang adverse event na naranasan nito.
“Ayon po sa pag- aaral ng ating mga eksperto wala talagang direct link ang pagkakaroon nila nitong covid-19 with the vaccine” ani Usec Spokesperson, Maria Rosario Vergeire.
Nitong weekend naman naitala ang mahigit 12,000 kaso.
12, 225 nitong Biyernes at 12, 674 new COVID-19 cases nitong Sabado.
Batay naman sa ulat ng octa research team, napipigilan ang pagtaas ng reproduction number o bilis ng pagdami ng kaso sa bansa dahil sa pagpapatupad ng ecq sa ncr plus bubble.
Sa kasalukyan, nasa 1. 24 na ang reproduction number sa ncr kumpara sa 1.88 bago ipatupad ang ecq
Nasa 1.27 na ang reproduction number sa buong bansa.
Samantala, nitong Sabado (April 10) naman ay iniulat ng DOH na nakapagtala ang Philippine Genome Center at UP- National Institutes of Health ng mga karagdagang kaso ng COVID-19 variants.
Paalala ng DOH, mag- doble ingat at maging responsable dahil nananatiling banta sa kalusugan ang COVID-19 variants kahit na nagsimula na ang mass vaccination.
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: Covid-19