Pinakamaraming kasong pagpatay ng riding-in-tandem criminals sa Metro Manila, may kaugnayan sa iligal na droga – PNP

by Radyo La Verdad | July 19, 2017 (Wednesday) | 4255


Karamihan ng kaso ng riding in tandem sa Metro Manila ay may kaugnayan sa iligal na droga.

Ito ang kinumpirma ni NCRPO Chief Oscar Albayalde. Sa tala ng PNP, simula noong nakaraang taon, 94 na operation na laban sa riding in tandem ang naisagawa ng PNP.

43 riding in tandem na rin ang napatay, 68 ang nahuli at 71 na ang nakasuhan sa korte. Ang mga naturang pahayag ay kaugnay ng batikos ni Senador Richard Gordon na walang ginagawa ang PNP sa mga kaso ng riding in tandem.

Tinawag pa ni Gordon na bato-gan si PNP Chief Dela Rosa. Subalit bumwelta si Dela Rosa kay Gordon.

Sa tala ng PNP, ang Southern Police District ang nakapagtala ng may pinakamaraming kaso ng riding in tandem sa Metro Manila.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: , ,