Pinakamalaking Balikatan Exercise ng Pilipinas at Amerika, opisyal na sisimulan ngayong araw

by Radyo La Verdad | April 11, 2023 (Tuesday) | 12983

METRO MANILA – Pormal nang bubuksan ngayong araw (April 11) sa kampo aguinaldo ang pinakamalaking Balikatan Exercise sa pagitan ng mga sundalo ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, nasa 17, 600 ang kalahok sa naturang pagsasanay.

5,400 dito ay mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) habang 12, 200 naman ang US military personnel.

Mayroon ding 111 military personnel mula sa Australian Defense Force ang lalahok sa pagsasanay.

Habang 12 iba pang bansa ang magsisilbi namang observers.

Ang 38th Balikatan Exercises ay tatagal hanggang April 28.

Tags: , ,