Pinakamainit na temperatura ngayong 2024 maaring maramdaman sa March-May

by Radyo La Verdad | January 11, 2024 (Thursday) | 8478

METRO MANILA – Posibleng maramdaman sa buwan ng Marso hanggang Mayo ang pinakamainit na temperatura sa bansa ngayong taon.

Ayon sa PAGASA, maaaring pumalo sa 40 degrees celcius ang mararamdamang init sa ilang bahagi ng bansa ngayong 2024.

Paliwanag ng PAGASA, maitatala ang pinakamainit na temperatura dahil sa pag-iral ng El niño.

Maaari itong maranasan sa ilang mga lugar partikular na sa Cagayan Valley region.

Sinabi rin ng PAGASA na mas kakaunti ang inaasahang papasok na bagyo sa bansa ngayong taon bunsod ng El Niño phenomenon.

Tags: ,