Pinakamahirap na bayan sa Cordillera Region, binisita ni VP Leni Robredo

by Radyo La Verdad | October 13, 2016 (Thursday) | 1526

grace_vp-robredo
Binisita ngayong araw ni Vice President Leni Robredo ang mga taga Mt. Province.

Alas onse ng umaga nang lumapag ang chopper na sinakyan ng pangalawang pangulo.

Layunin ng pagdalaw ni Robredo ay personal na mapakinggan kung ano ang problema ng mga indigenous people.

Ang bayan ng Natonin na isang fourth class munisipality ay kabilang sa top 5 na pinakamahihirap na bayan sa rehiyon ng Cordillera na pangunahing hanap buhay ng mga katutubo dito ay ang pagsasaka.

Ayon kay Mayor Mateo Chiwayan, isa sa pangunahin problema ng mga katutubo sa lugar ay ang farm to market road at community irrigation para sa mga magsasaka.

Nais namang hilingin ng mga katutubo sa pamahalaan na mabigyan sila ng mga evacuation centers tuwing may bagyo, livelihood program, ospital, at mga eskwelahan.

Ang pagdalaw ni Robredo ay kaalinsabay ng pagdiriwang ng ngayong buwan ng Indigenous Peoples Month.

(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)

Tags: ,