Pinaigting na police visibility sa eskwelahan, tatagal ng 2 linggo

by Radyo La Verdad | June 14, 2016 (Tuesday) | 1541

PDDG-Danilo-Constantino
Tatagal ng dalawang linggo ang pinaigting na police visibility sa paligid ng mga eskwelahan.

Ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga guro at mag-aaral laban sa mga masasamang loob.

Ayon kay Philippine National Police Deputy Chief for Operations Director General Danilo Constantino, simula pa kahapon ay nakapaglagay na sila ng mga police assistance desk upang madaling makapag-susumbong ang mga estudyante sakaling magkaroon ng problema.

Tatlong shift aniya ang mga pulis na nagbabantay at hindi aalis sa kanilang designated post hangga’t may mag aaral sa loob ng eskwelahan.

Nagpakalat na rin ng operatiba ang PNP Anti Illegal Drugs Group upang mapigilan ang modus ng mga sindikato ng droga tulad ng “libreng-tikim” at bentahan tuwing pasukan

(Lea Ylagan/UNTV NEWS)

Tags: ,