Nasa 15,000 hanggang 17,000 passsport applicants ang pumipila at nagpoproseso ng kanilang papeles sa mga DFA Passport Centers sa bansa sa loob ng isang araw.
Araw- araw ay may tinatayang 200-300 passport applicants ang nagtutungo dito sa DFA Consular Office Ortigas at karamihan sa mga ito ay Overseas Filipino Workers na umuuwi lang sa bansa upang mag-renew ng kanilang Philippine passport.
Maituturing na one stop shop ang DFA Consular Office sa Ortigas dahil katabi nito mismo ang mga booth ng SSS, Philhealth Express at PAG-IBIG.
Sa ngayon ay hinihintay na lang ng DFA na matapos hanggang sa katapusan ng Setyembre ang mga naka-schedule na Non-OFW Passport Application sa naturang tanggapan.
Sa Oktubre ay opisyal na itong gagawin na passport center para lamang sa mga kababayan nating OFW.
(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)