Pilot testing sa pagpapatupad ng National ID System, isasagawa sa Setyembre – Disyembre

by Erika Endraca | June 12, 2019 (Wednesday) | 16197
(c) IT Services Philippines

MANILA, Philippines – Isasagawa ang pilot testing sa pagpapatupad ng Philippine Identification o ID System mula Setyembre hanggang Disyembre ngayong taon.

Isa ito sa mga napag-usapan sa cabinet meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes (Hunyo 10, 2019).

Ayon sa Palasyo, batay sa National Economic Development Authority (NEDA)  at Philippine Statistics Authority (PSA), may partikular na bilang ng mga Pilipinong makakasama sa initial registration para sa pilot testing.

Nasa 107 million Filipinos naman ang target na maiparehistro para sa National ID system bago matapos ang termino ng Punong Ehekutibo sa taong 2022.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , , ,