Itinakda na sa huwebes ng National Telecommunication Commissions o NTC ang pilot testing sa bilis ng mobile internet service ng mga telecommunications company sa bansa.
Sa pamamagitan ng isang device, malalaman kung sinusunod ng mga telcos ang advertised speed nila para sa mga fixed line internet, o iyong internet na direkta sa computer ang koneksiyon.
Kaugnay nito, gumawa na ng draft guidelines ang National Telecommunications Commission o NTC para sa gagawing monitoring.
Bukod sa bilis, kabilang pa sa mga susubukin ang ntc ang signal, connectivity at lawak ng sakop nito.
Gagawin ang pagsusuri tuwing peak at off peak hours dalawang beses isang linggo.
Plano namang i-publish ng NTC ang magiging resulta ng pilot testing sa mga dyaryo at sa kanilang website.
Sa susunod na buwan naman inaasahag maguumpisa na ang opisyal na pagmomonitor ng internet speed ng mga isp.
Pinagpplanuhan na rin ng National Telecommunication Commissions o NTC na imonitor ang bilis ng mobile internet sa bansa.
Sa ngayon ay nagsasagawa na rin ng public hearing ang ntc para matukoy ang mga patakaran sa pagmomonitor ng mobile broadband speed.(Darlene Basingan/UNTV Correspondent)