Pilot testing ng National ID System simula na ngayong araw (September 2)

by Erika Endraca | September 2, 2019 (Monday) | 4991

MANILA, Philippines – Maari ng magparehistro simula ngayong araw (September 2) para sa National ID System magtungo lamang sa kahit anong mga sumusunod na ahensya: Philippine Statistics Authority, Local Civil Registry Offices, Government Service Insurance System o Social System, PhilHealth, Pagibig, Commission on Elections, Philippine Postal Corporation.

Sa pagrerehistro, may ibibigay ng application form ang PSA at kailangang dalhin ang kahit anong dokumento gaya ng Birth Certificate, Passport o Umid Card.

Ang naturang ID ay naglalaman ng Philippine Identification System Number, Pangalan, Kasarian, Blood Type, araw at lugar ng kapangakan, Marital Status, tirahan gayundin ang litrato ng may-ari.

Target ng administrasyong Duterte na makapagrehistro ang 10,000 Pilipino sa pilot testing na tatagal hanggang Disyembre habang nasa 50-M Pilipino naman ang target na marehistro sa 2020 at 50-M naman sa 2021 kabilang na dito ang Overseas Filipino Workers (OFW).

Noong Agosto 2018, nilagdaan ni pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine System Identification Act para isang ID na lamang ang gagamitin sa mga transaksyon sa iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaan.

(April Cenedoza | UNTV News)

Tags: ,