Pilot rollout ng National Digital Certificate o VaxCertPH, sinimulan na sa iba pang rehiyon sa bansa

by Erika Endraca | September 27, 2021 (Monday) | 1874

METRO MANILA – Mas pinalawak pa ng Department of Information and Communications Technology (DICT) nitong Sabado (September 25) ang pilot rollout ng national digital certificate or VaxCertPH sa Central Luzon, MIMAROPA, Metro Cebu at Davao region.

Ayon kay DICT Undersecretary Manny Caintic, ito ang mga lugar na handa na at mayroon nang mga tauhan.

“Dito sa mga regions na ito dito kami nagtutok, dito tayo nagpatulong sa mga LGU na magset up ng data retrification booth, ibig sabihin kung mayroong isang magrereklamo na wala pa rin yung record niya sa vaccine immunization registry pwedeng tulungan sila ng ilang LGU.” ani DICT Usec. Manny Caintic.

Dagdag pa nito, bagamat hindi pa rin natatapos ang mga LGU sa pagsusumite ng mga detalye ng mga nakakumpleto na ng COVID-19 vaccines sa nasabing application …

Naging positibo naman ang feedback ng publiko lalo na sa mga OFW at mga byahero patungong ibang bansa.

“Marami naman tayong nakuhang positive feedboack, madaming natuwa na madali lang syang gamitin lalong lalo na kung ang mga records ay nandoon nga na-submit ng lgu maraming natuwa na tayo yung isa sa mga unang bansa na nakapag-issue nung world health organizations standard na vaxcert.”ani DICT Usec. Manny Caintic.

Ayon sa opisyal, mas mataas na ang compliance ngayon ng mga lokal na pamahalaan sa pagsusumite ng mga kinakailangan datos para sa VaxCertPH.

Samantala, mula nang pasimulan ang soft launching nito, nakapag-generate na ang DICT ng 138,000 standardized COVID-19 vaccination certificates sa mahigit 225,000 requests.

Sinisikap naman ng kagawaran na sa mga susunod pang buwan ay madagdagdagan pa ang mga rehiyon na makapagbukas na rin ng nasabing aplikasyon.

(Janice Ingente | UNTV News)

Tags: