METRO MANILA – Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng limitadong face-to-face classes sa mga low-risk na lugar.
Sa pahayag ng Malacañang nitong Lunes (September 20), nasa 100 pampubliko at 20 pribadong paaralan na nasa low-risk areas ang pinayagang magsagawa ng pilot implementation.
Inabisuhan din ang mga eskwelahan na kasama sa listahan, na kunin ang parent consent ng mga mag-aaral na sasali sa face-to-face classes.
Nilinaw naman ng Malacañang na hindi maaaring pilitin ang mga mag-aaral na makiisa dito.
Samantala, kalahating-araw lamang at kada-isang linggo ang pagitan ng magiging pasok ng mga mag-aaral sakaling magsimula ang face-to-face classes.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magsisimula ang pilot implemenation sa January 2022.
(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)
Tags: DepEd, face-to-face classes