Pilipinas, wala pang kaso ng Omicron Variant; mga otoridad, tine-trace ang mga galing sa bansang may kaso ng Omicron

by Radyo La Verdad | November 30, 2021 (Tuesday) | 1125

METRO MANILA – Wala pang kaso sa ngayon ng B.1.1.529 o Omicron variant of concern sa Pilipinas batay sa mga isinasagawang genome sequencing sa bansa. Ngunit posibleng makapasok ito anomang oras.

Kaya para maagapan ito, pinaiigting ng pamahalaan ang mga umiiral na restrictions upang hindi makapasok at kumalat ang Omicron variant of concern sa Pilipinas

“Dahil nga sa pag- deklara ng Omicron as a variant of concern at ito namang Omicron na ito ay papasok hindi galing sa atin, hindi siya lalabas intransically sa Philippines pero malamang manggaling sa ibang bansa, kailangan talaga nating maglagay ng measures para ma- prevent natin, ma-delay natin as long as possible ang pagpasok ng omicron sa ating bansa” ani DOH Epidemiology Bureau OIC /Director 3, Dr. Alethea de Guzman.

Nire- review din ng DOH at Inter- Agency Task Force against COVID-19 ang mga umiiral na protocols sa bansa kung may kailangang baguhin o lalong higpitan para hindi makapasok ang Omicron sa Pilipinas na kasalukuyang kumakalat ngayon sa iba’t ibang bansa.

May rekomendasyon din ang DOH na i- shift muna pabalik sa RT-PCR ANG COVID-19 testing lalo na sa mga pasaherong galing sa ibang bansa.

Batay sa inisyal na impormasyon ng World Health Organization (WHO), maaring ang RT- PCR lang ang makaka-detect sa ngayon sa mga positibo sa Omicron COVID-19 variant

Ayon din sa DOH Epidemiology Bureau, dahil patuloy pa ang pag- aaral sa epekto ng Omicron sa pamamagitan ng diagnostics, gamot at mga bakuna kontra COVID-19, wala pang matibay na ebidensyang mas nakahahawa ito sa mga bata

Paalala ng mga eksperto, ibayong pag- iingat pa rin ang dapat sundin ng lahat maging ang mga COVID-19 survivors

Ito ay dahil sa inisyal na impormasyon sa Omicron, posibleng mas mabilis mahawa o magkaroon ng reinfection ang mga dati nang nagkaroon ng COVID-19 infection.

Ayon sa DOH, mahalagang mabantayan ang mga lugar na may pagtaas ng kaso at may clusters at agad na ma- sequence ang mga samples doon upang matiyak na walang kaso sa bansa ng Omicron o magkaroon man ng panibagong mutations.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: