Pilipinas, pumirma ng kasunduan para sa suplay ng 30-M doses ng Covid-19 vaccine Covovax

by Erika Endraca | January 11, 2021 (Monday) | 1075

METRO MANILA –

Pinirmahan ng gobyerno ng Pilipinas ang isang term sheet para sa suplay ng 30-M doses ng Covid-19 vaccine na Covovax sa pamamagitan ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Serum Institute of India (SII) at Faberco Life Sciences, Inc. noong January 9.

Ang SSI na isa sa pinakamalaking vaccine manufacturer sa mundo ay nakipag-partner sa Novavax, isang US based biotechnology company kaugnay ng Covovax.

Sa ngayon, nasa 3rd stage trials na ito at inaasahang maaprubahan ng international regulators upang magamit ng publiko.

Sa Pilipinas naman, posibleng maging available ito sa ikatlong quarter ng 2021.

Sa pahayag ni Dr. Luninging Villa, Medical Director Ng Faberco Life Sciences, gagamitin ang bakuna ng 15-M mga vulnerable at mahihirap na Pilipino.

Stable ang bakuna sa 2 degrees hanggang 8 degrees celsius kaya maipamamahagi sa malalayong mga barangay.

Inaasahan namang masapinal ang presyo ng bakuna sa lalong madaling panahon sa pagitan ng gobyerno at SII.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,