Pilipinas planong magkaroon ng sariling pagawaan ng testing kits para sa COVID-19

by Erika Endraca | February 17, 2020 (Monday) | 1266

Plano ng Pilipinas na magkaroon ng sariling pagawaan ng mga testing kits para sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles isusumite na ng Department Of Health (DOH) sa World Health Organization (WHO) ang mga sample kit na dinevelop ng mga grupo ng scientist mula sa University of the Philippines-Manila.

Umaasa ang kalihim na mapapabilis ang proseso ng validation ng WHO upang magkaroon na ng testing kits ang lahat ng ospital sa bansa na magagamit para sa mga pinaghihinalaang may COVID-19.