Pilipinas, pinarangalan bilang Best SEA Games Organizer ng Sports Industry Awards

by Erika Endraca | December 5, 2019 (Thursday) | 10346

METRO MANILA – Kinilala ng Sports Industry Award (SPIA) Asia ang Pilipinas bilang Best South East Asian (SEA) Games Organizer.

Ayon sa SPIA Asia, ang 30th SEA Games na inorganisa ng Philippine Sea Games Organizing Committee (PHISGOC) ay may mas maraming sporting events kumpara sa mga nakalipas na SEA Games.

Sa kabila nito naging maayos ang pagsasagawa ng palaro sa bansa at nangunguna pa sa medal tally ang Pilipinas.

Maging si Wei Jizhong, Vice President Ng Olympic Council of Asia ay bumilib din sa kapasidad ng Pilipinas sa pag host ng SEA Games.

Samantala, itinuloy na kahapon (Dec 4) ang mga na-postpone na sporting events ng SEA Games dahil sa pananalasa ng Bagyong Tisoy. Kabilang na dito ang Beach Volleyball, Pencak Silat, Muay, Skateboarding at iba pa.

Samantala, nangunguna pa rin ang pilipinas sa medal tally sa SEA Games na may 56 golds, 41 silvers at 22 bronze. Pangalawa pa rin ang Vietnam na may 27 golds, 32 silvers at 33 bronze. Habang nananatili pa rin sa 3rd spot ang Malaysia na may 21 golds, 12 silvers at 33 bronze medals.

(Vincent Arboleda | UNTV News

Tags: