Pilipinas, pinaghahanda ng WHO ng sapat na oxygen supply vs Delta variant

by Erika Endraca | August 4, 2021 (Wednesday) | 1611

METRO MANILA – Suportado ng World Health Organization ang mga hakbang na ginagawa ng Pilipinas para mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 Delta variant sa Pilipinas.

Pabor si WHO Country Representative Doctor Rabindra Abeyasinghe sa pagpapatupad ng Pilipinas ng lockdown, travel ban at pagpapaigting ng COVID-19 vaccination.

Kaugnay nito umaapela rin ang WHO ng kooperasyon sa mga pinoy na magboluntaryo na munang mag-ECQ sa kanilang mga sarili upang hindi na dumami pa ang mga kaso ng COVID-19.

“If we individually start doing a voluntary ECQ by reducing our movements by going only for essential activities, avoiding large scale gatherings, avoiding get-togethers in closed, confined situations we are going to be able to reduce the transmission” ani WHO representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe.

Pinaghahanda na rin ng WHO ang Pilipinas ng karagdagang suplay ng mga oxygen.

“It is now time for us to prepare for this situation in anticipation as we do everything to to reduce the numbers that will be generated and delayed. We need to also prepare for the eventually the need more oxygen supplies so that we can better care for our patients” ani WHO representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe.

Binigyang diin nito ang mas maigting na pagbabakuna sa mga matatanda ay may sakit upang maiwasan na mapuno ang mga ospital.

“We have clearly seen in that countries that did this, even though the increase the number of cases but the hospital systems were able to cope, they were no overwhelming of hospitals because oftentimes the infection in younger people does not require hospitalization or intensive care support so the hospital system can manager the outbreaks” ani WHO representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe.

Samantala, ipagbabawal muna ng Metro Manila mayors ang operasyon ng community pantries habang nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine ang National Capital Region.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, maituturing na super spreader event ang mga ito dahil tiyak na pagkakaguluhan ito ng publiko.

“As much as possible kase ang purpose ng ECQ ay talagang huwag lumabas ng bahay, kung magpapa-pila tayo sa labas at magbibigay tayo baka magkagulo so siguro kung talagang gustong tumulong wala namang problema ‘ron pero siguro gumawa tayo ng magandang Sistema” ani MMDA Chairman, Benjamin “Benhur” Abalos Jr.

Payo ng MMDA sa mga organizer ng community pantries, makipag ugnayan na lamang muna sa mga lokal na pamahalaan upang maihatid sa bahay ang mga maaring ipamahagi sa ating mga kababayan na nangangailangan.

(Marvin Calas | UNTV News)

Tags: ,