Pilipinas patuloy na nanawagan na mapababa ang sintensya ng isang Pilipino na nasa death row sa UAE

by Radyo La Verdad | July 8, 2015 (Wednesday) | 1729

death row
Walumpu’t walong Pilipino ang nahatulan ng kamatayan dahil sa iba’t- ibang kaso na nasa ibang bansa, ayon sa huling tala ng Department of Foreign Affairs.

34 sa mga ito ay nasa Malaysia, 28 sa Saudi Arabia, 21 sa China, 2 sa America, at tig-iisa sa Indonesia, Kuwait at Thailand.

Kabilang na rito ang kaso ni isang Overseas Filipino Worker na sangkot sa pagpatay sa kanyang amo dito sa United Arab Emirates.

Hinatulan ng kamatayan si Jennifer Dalquez, 28 years old, tubong General Santos City noong nakaraang May 20 dahil sa pagpatay sa amo na nagtangkang halayin siya noong Disyembre 7, 2014

Ayon sa pamilya ni Jennifer, noon pang 2011 nagsimula itong magtrabaho bilang maid at nakatakda na sana itong umuwi noong Enero 2015.

Ang kaso ni Jennifer ay malaki ay kahalintulad sa kaso ni Sarah Balabagan na napatay din ang kanyang amo sa UAE noong July 1994

Ngunit napababa ang sintensya sa kanya at nakauwi ng Pilipinas noong 1996 matapos umapela ang dating Pangulo ng UAE sa pamilya ng napatay na amo

Ito ngayon ang ninanais ng embahada ng Pilipinas sa UAE para sa kaso ni Jennifer

Ayon sa embahada patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa gobyerno ng UAE upang mapababa ang sintensya kay Jennifer

Umaasa ang embahada na magkakaroon ng magandang resulta ang ginawang pagapela sa kaso.

Tags: , ,