Pilipinas, nasa low-risk category ng COVID-19

by Erika Endraca | October 26, 2021 (Tuesday) | 3030

METRO MANILA – Kada araw 5,251 COVID-19 cases o 32% na mas mababa ang naitalang kaso nitong nitong nakalipas na 7 araw kumpara noong October 11-17.

Hulyo pa huling nakapagtala ng mahigit 5,000 kaso ng COVID-19 kada araw sa bansa. Ito ay bago muling tumaas ang mga kaso sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Health (DOH), talagang patuloy na ang pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa maging sa National Capital Region (NCR) na epicenter ng pandemya. 35% ang ibinababa ng mga kaso sa NCR nitong nakalipas din na 7 araw.

Ngayon lang ulit aniya bumalik sa low risk classification ang COVID-19 case trend sa buong bansa mula noong Hulyo. Ang regions 4, 5 at 9 na lang ang nasa high risk ang ICU utilization rate.

Nilinaw naman ng DOH na bamagan pababa na ang mga kaso hindi pa tuluyang decongested ang mga ospital lalo na at matagal din ang recovery ng mga severe at critical COVID-19 patients.

Iniulat din ng DOH na may naitala ang unang kaso ng B.1.1.318 covid-19 variant sa bansa. Nakuha ang sample sa isang 34 taong na lalaki na may travel history sa UAE, March 21 ito naka- recover.

Ang sample na isinailalim sa sequencing ay bahagi ng retroactive sampling na nag- positibo sa mga nakalipas na buwan.

Nguni’t ayon sa DOH, hindi pa ito maihahalintulad sa ngayon sa Delta at iba pang variants of concern na mabagsik at lubhang nakahahawa.

Ayon pa sa DOH hindi pa tuluyang nawawala ang Delta sa Pilipinas kaya hindi dapat maging kampante ang publiko. 30.3% ng mga samples na na- sequence sa bansa ay Delta variant.

Nguni’t kahit paano aniya ay naagapan ng pamahlaan ang lubhang pagkalat nito di gaya sa kung paanong nanalasa ito sa India.

Ipinaliwanga naman ng DOH na pandemya pa rin ang nararanasan ngayon ng buong mundo at wala pa sa endemic phase. Bagaman 2 taon nang umiiral ang COVID-19 sa iba’t ibang bansa

“Usually there are this kind of announcements they officially communicate with the sec of health, so we will wait for their official letter. As to endemicity kailangan po ay pinaghahandaan ang mga ganito dahil once an organism becomes endemic in the population mayroon po tayong ibang steps na ginagawa especially about surveillance” ani DOH Spokesperson Usec Maria Rosario Vergeire.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: