Pilipinas, nakapagtala ng 5.6 GDP Growth sa 2nd quarter ng 2015

by Radyo La Verdad | August 27, 2015 (Thursday) | 1576

GDP
Tumaas ang Gross Domestic Product o GDP ng bansa sa second quarter ng taon.

Mula 5 percent sa first quarter, tumaas ito sa 5.6 percent nitong second quarter.

Gayunman, mababa pa rin ang 5.6 percent kung ihahambing sa 6.7 percent sa second quarter ng 2014.

Pinakamataas na nakapag-ambag sa GDP growth ng bansa ang service sektor partikular ang real estate, trade at renting and business activities.

Nakatulong rin dito ang manufacturing at construction sector.

Ang GDP ay isa sa pangunahing basehan ng lagay ng ekonomiya ng isang bansa, ito ay ang monetary value ng lahat ng produkto at serbisyo ng isang bansa sa isang particular na panahon ( Darlene Basingan / UNTV News)

Tags: