Pilipinas, nakapagtala na ng ika-4 na kaso ng Omicron COVID-19 Variant – DOH

by Radyo La Verdad | December 28, 2021 (Tuesday) | 877

METRO MANILA – Kasalukuyan nang naka-home quarantine ang ika-4 na indibidwal na kumpirmadong kaso ng Omicron variant of concern sa Pilipinas

“Our fourth omicron case is a 38 year old female from usa. She arrived in Manila on December 10, 2021 via PAL PR 127” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

Pagdating sa bansa, agad itong sumailalim sa quarantine. December 13 naman nang nakaranas ito ng pangangati ng lalamunan

December 15, lumabas sa resulta ng kanyang COVID-19 test na positibo siya sa virus. Kaagad itong dinala sa isolation facility

Nagkaroon ito ng exposure sa mga kaibigan niya sa Amerika bago bumiyahe papunta dito sa Pilipinas. Nirelease ito mula sa isolation noon December 24 at kasalukuyang naka-home quarantine.

Kasalukyan itong asymptomatic at nakatakdang sumailalaim sa COVID-19 testing ngayong araw (December 28).

Nakikipag- ugnayan pa ang DOH sa Bureau of Quarantine at Department of Transportation (DOTr) sa flight manifesto ng ika-4 na kaso ng Omicron.

Tiniyak naman ng DOH na walang pinauwing kasama nito sa flight na hindi sumailalim sa isolation at COVID-19 testing

Nagpaalala naman ang DOH sa lahat ng mga biyaherong dumarating sa Pilipinas na kailangan pasakop sa mga ipinapatupad sa health and safety protocols.

Ito’y kasunod ng kaso ng isang OFW na nakalusot at umuwi agad sa kanilang bahay sa Parañaque pagdating sa Pilipinas.

Nag- viral sa social media ang paghahanap ng otoridad sa naturang OFW.

Hiningi na ng Philippine Coast Guard ang tulong ng lokal na pamahalaan ng Parañaque upang mahanap ang naturang OFW.

Paalala ng DOH, mahalaga ang mahigpit na border control upang hindi tayo malusutan ng kahit anomang COVID-19 variant.

Samantala, ayon sa DOH nanananatiling nasa minimal risk classificaiton ang Pilipinas.

Minomonitor pa nito kung ano ang sanhi ng pagtaas ng kaso sa NCR nitong nakalipas na Linggo.

Samantala, simula January 1, 2022 hindi na maglalabas ang DOH ng hiwalay na social media card at pdf file ng case bulletin at COVID-19 situationer report.

Ayon sa kagawaran, maaari pa rin namang makita ang update sa kaso ng COVID-19 sa bansa sa pamamagitan ng COVID-19 tracker na matatagpuan sa website ng DOH.

Mahigit 650 case bulletins ang napaskil ng DOH sa kanilang social media pages at viber groups simula nang magkaroon ng pandemya.

(Aiko Miguel | UNTV News)