METRO MANILA – Naitala ng Pilipinas ang kauna-unahang kaso nito ng XBB.1.16 Omicron subvariant.
Ayon sa Department of Health (DOH), mula ito sa mga sample na isinailalim sa genome sequencing mula April 12 hanggang 17. Naitala ang kaso sa Western Visayas.
Ang XBB.1.16, ay kasalukuyang under monitoring ng World Health Organization (WHO) at European Center for Disease Prevention and Control. Higit sa 30 bansa na ang nakapagtala nito.
Sa inisyal na mga pag-aaral, lumalabas na ito ay may mga mutation na posibleng magresulta sa mabilis na pagkalat ng sakit.
Gayunman wala pang sapat na ebidensiya na makapagsasabi na nakapagdudulot ito ng mas malalang impeksyon kumpara sa orihinal na Omicron variant.
Tags: DOH, Omicron Subvariant