Pilipinas, nagsumite ng Diplomatic Protests laban sa China

by Erika Endraca | April 23, 2020 (Thursday) | 86452

METRO MANILA, Inanunsyo ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin sa kaniyang twitter na naghain ng dalawang diplomatic protests ang Pilipinas sa China.

Ito ay sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa dahil sa coronavirus pandemic.

Naghain ng diplomatic protest ang bansa dahil sa panunutok ng radar gun sa isang Philippine Navy Ship na nasa karagatan ng bansa at dahil sa pagdedeklara ng bahagi ng teritoryo ng Pilipinas na bahagi ng Chinese Hainan Province.

Kapwa paglabag ito sa International law at soberanya ng bansa ayon kay Secretary Locsin.

Ayon sa kalihim, buong araw kahapon nilang trinabaho ang naturang diplomatic protests.

Umaasa naman ang kalihim na wala aniyang ibang opisyal ng gobyerno na magsasalita hinggil sa isyu at si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang makapagbubunyag ng detalye sa inihaing protesta.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , ,