Pilipinas, muling nahalal bilang miyembro ng UN Human Rights Council

by Jeck Deocampo | October 15, 2018 (Monday) | 8081
Pinangunahan ni Permanent Representative Teodoro Locsin Jr. ang mga delegado ng Pilipinas sa United Nations. Kasama sa larawan si Maria Fernanda Espinosa, presidente ng UN General Assembly, pagkatapos na manalo ang Pilipinas ng pwesto sa UN Human Rights Council noong ika-12 ng Oktubre 2018 sa New York. (Larawan mula sa DFA)

 

NEW YORK, USA  Sa botong 165 mula sa 192 mga bansang naghain ng kanilang boto, nakakuha ng panibagong seat o pwesto ang Pilipinas, kasama ang ibang 17 candidate countries, sa 47-member United Nations Human Rights Council noong Biyernes, Oktubre 12.  Ito ay sa kabila ito ng pagtutol ng isang international human rights organization.

Kinakailangan lamang ng 97 boto o mayorya ng 193-member ng UN para mai-secure ang panibagong termino ng isang bansa sa UN-HRC.

Nakatakdang magtapos ang 2015 term ng Pilipinas sa council ngayong taon. Dahil sa muling pagkakaluklok, magsisilbi ng panibagong 3-year term o hanggang 2021 ang Pilipinas bilang Vice President na kumakatawan sa Asia-Pacific group

Ayon kay Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, ang re-election ng Pilipinas sa UN-HRC ay pagkilala ng UN member states na ninirespeto ng pamahalaan ang karapatang pantao sa bansa at hindi kinukunsinte ang pang-aabuso ng mga otoridad.

Nangangahulugan din aniya ito na tinatanggap ng international community ang kampanya ni Pangulong Duterte laban sa iligal na droga, katiwalian at kriminalidad upang mapangalagaan ang right to life, liberty at property ng peace-loving Filipinos.

Si incoming Foreign Affairs Secretary at Philippine Permanent Representative to the UN Teddy Boy Locsin ang nanguna sa Philippine Delegation sa United Nations sa New York.

Ayon naman sa Commisison on Human Rights, marami pang dapat gawin upang resolbahin ang mga umano’y nagpapatuloy na human rights violations sa bansa.

Ang pagkakahalal din aniya ng pilipinas sa UN-HRC ay inaasahan na dahil marami aniyang kandidato ang Asian group para sa Human Rights Council seats.

 

Ulat ni Rosalie Coz | UNTV News

Tags: , , , , ,