Pilipinas may sarili nang aparato para pagtukoy ng 2019 nCoV

by Erika Endraca | January 30, 2020 (Thursday) | 1887

METRO MANILA – Dumating na dito sa bansa ang aparato na tutukoy kung positibo o negatibo sa 2019 Novel Coronavirus ang isang pasyente.

Ngayong may sarili nang gamit ang Research Institute For Tropical Medicine ay mas madali na ang proseso ng pagtukoy sa naturang virus at kailangang ipadala pa ang sample sa Victorian Infectious Diseases Reference Laboratory sa Australia.

“The reagents and the primers that were ordered by ritm have arrived in the country and they are now setting up the lab for this. Once the laboratory is set up within 48 hours they will be able to start running the test for the 2019 novel coronavirus in the Philippines” ani DOH Spokesman, Usec Eric Domingo.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags: