Pilipinas, may recalibrated plans kontra COVID-19 para hindi maging hotspot Southeast Asia

by Erika Endraca | August 6, 2020 (Thursday) | 3229

METRO MANILA – Kasama sa recalibrated plans ng pamahalaan laban sa COVID-19 ang muling pagsasailalim sa Metro Manila, Cavite, Rizal, Laguna at Bulacan sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi rin sila nagpapabaya sa iba pang hakbang gaya ng pagsasagawa ng
massive targeted testing kung saan mas maraming frontliners ang sumasailalim sa PCr testing.

Naglaan na rin aniya ang administrasyon ng
mas maraming isolation centers at hotel rooms para sa mga asymptomatic imdividuals at may mild symptoms.

Bukod dito pinalalawak pa aniya ang kapasidad ng ilang ospital sa Metro Manila at minamadali ang accommodation sa mas maraming pasyente sa pamamagitan ng pagdadagdag ng dedicated COVID-19 beds at pagkuha ng mas maraming health workforce.

Tulong-tulong din aniya ang mga lokal na pamahalaan, pribadong sektor, komunidad at ang publiko upang matiyak na nasusunod ang minimum public health standards gaya ng social distancing, paguhugas ng kamay at pagsusuot ng face masks.

Sa huling tala, pumapangalawa ang pilipinas sa may pinakamaraming kaso ng Coronavirus Disease-2019 sa 10 member states ng association of Southeast Nations.

Nangunguna pa rin ang Indonesia, habang sumusunod naman sa Pilipinas ang Singapore, Malaysia at Thailand.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,