Pilipinas, may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Southeast Asia

by Erika Endraca | August 10, 2020 (Monday) | 4725

METRO MANILA – Umabot na sa 59, 970 ang naitalang active COVID-19 cases sa bansa.

2, 270 naman ang naiulat na namatay dahil sa sakit habang 67, 673 naman ang gumaling.

Sa kabuoan, mayroon nang 129, 913 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Mas mataas ito kumpara sa naitalang kaso sa Indonesia batay sa Johns Hopkins.

Kaya naman nangunguna na ang Pilipinas sa may pinakamaraming COVID-19 cases sa buong Southeast Asia.

Habang habang nasa pang-22  naman sa mundo batay sa dashboard ng WHO.

Samantala, sinimulan na ng Department Of Health ang draft ng omnibus guidelines para sa angkop na paggamit ng iba’t ibang COVID-19 test kits.

Ayon kay Usec Maria Rosario Vergeire, nire-review na ito ng mga lab expert panel bago aprubahan ng kinauukulan.

“By next week, pag final comments na, present sa execom, present IATF, then we can issue guidelines. Give us 1 more week “ani DOH Spokesperson  Usec Maria Rosario Vergeire.

Layon ng ilalabas na guidelines na magabayan ang publiko kung kailan at kanino maaaring gamitin ang mga available na test kits .

“Nagstart tayo sa RT-PCR, lumabas rats, ngayon may mga antigen test na nasa market na. Eventually there will still be other innovations na lalabas in the coming weeks/months. Ang sa atin lang para di nagkakaroon misleading information, and the general public and health facilities are guided on what they are supposed to use pag nandito ka sa stage ng sakit ng COVID. Guidelines papakita saan appropriate gamitin (kits)” ani DOH Spokesperson  Usec Maria Rosario Vergeire

Ayon sa DOH, may kani-kaniyang paraan ng paggamit sa mga test kit

“RT-PCR is very sensitive, 2 days prior to your illness it can already detect virus hanggang magkaroon ka virus, for antigen testing, ito yung bago. Appropriate lang siya gamitin kapag first 5 days of the illness. Di magagamit if presymptomatic or nakalagpas 6-7 days sa sakit, nagnenegative na yan. Appropriately used, first 5 days and it is more sensitive and accurate than rats (rapid antibody tes kits)” ani DOH Spokesperson  Usec Maria Rosario Vergeire.

Naniniwala ang DOH na makatutulong din ang omnibus guidelines sa mga lokal na pamahalaan na nagsasagawa ng COVID-19 testing sa kani- kanilang lugar.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,