Pilipinas mag-aangkat na ng Galunggong sa China at Vietnam

by Erika Endraca | December 9, 2019 (Monday) | 15532

METRO MANILA – Mag-aangkat na ng Galunggong ang Pilipinas mula sa bansang China at Vietnam.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources BFAR ito ay upang mapunan ang kakulangan ng suplay ng Galunggong sa bansa dahil sa epekto umano ng klima at nang umiiral na fishing ban sa naturang isda.

Sa ngayon umaabot na sa P300.00 ang kada kilo ng Galunggong sa mga pamilihan dahil sa patuloy na pagkaunti ng suplay nito.

Ayon sa ahensya aabot sa 45,000 metriko toneladang Galunggong ang nakatakdang angkatin ng Pilipinas sa ibang bansa.

Tags: , ,