Pilipinas, maaaring pagkatiwalaan ang China pero dapat ring mag-ingat hinggil sa isyu sa West Phl Sea

by Radyo La Verdad | September 2, 2019 (Monday) | 24286

Maaaring pagkatiwalaan ng Pilipinas ang China, pero dapat pa ring maging maingat pagdating sa usapin hinggil saagawan sa teritoryo sa West  Philippine Sea. Ito ang binigyang diin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Sa isang pahayag, sinabi ni Lorenzana na wala itong nakikitang rason para hindi sumunod ang China sa kahit anong kasunduan. Pero, nagkasundo ang gobyerno ng China at Pilipinas na hindi sumang-ayon nang civil habang isinasaayos ang pagkakaiba ng dalawang panig. Ayon pa sa kanya, ang relasyon ng dalawang bansa ay hindi limitado sa isyu lamang sa West Philippine Sea.

Matatandaang pumayag ang China na pigilin ang kahit anong provocative action na maaarinng pagmulan ng conflict sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Nagkasundo rin ang China at Pilipinasna bumuo ng working groups at steering committee kung saan kabilang Philippine at Chinese foreign at energy ministers na i-explore ang commercial at gas agreements sa West Philippine Sea.

(April Cenedoza | UNTV News)

Tags: , ,