Pilipinas, kabilang pa rin sa mga pinakamalalaking foreign remittance market ayon sa World Bank

by dennis | April 18, 2015 (Saturday) | 2244
World Bank logo
World Bank logo

Kabilang pa rin ang Pilipinas sa mga bansang tumatanggap ng pinakamalalaking foreign remittances noong 2014 batay sa pinakahuling ulat ng World Bank.

Ang bansang India ang no.1 sa nakatanggap ng pinakamalaking foreign remittances noong nakaraang taon na nagkakahalaga ng humigit kumulang sa US$70 billion, kasunod ang China na nakatanggap ng $64 billion, sunod ang Pilipinas na nasa $28 billion, ang Mexico, $25 billion at Nigeria na nasa $21 billion.

Ang global remittance receipt naman ay tumaas ng 4.7 percent hanggang US$583 billion mula 2013 hanggang 2014. Ayon sa World Bank, inaasahang tataas ang global remittances sa $586 billion ngayong taon hanggang $636 billion sa 2017.

Ipinaliwanag ng World Bank na ang foreign remittances ay isang ‘key source of funds’ para sa developing countries (gaya ng Pilipinas) at mas mataas pa ito kaysa sa mga pondong nagmumula sa mga official development assistance at foreign direct investment.

Pero dahil sa nararanasang recession ng ilang developing countries, pagbagsak ng presyo ng langis, mahigpit na patakaran sa immigration at mga kaguluhan sa ilang bansa, naapektuhan nito ang foreign remittances noong nakaraang taon, ayon pa sa World Bank report.(UNTV Radio)

Tags: , , , , , , ,