Kahanay na ang Pilipinas ang America, United Kingdom, Australia, France, Canada at iba pa sa Tier 1 ng mga bansang lubusan ng nakatutupad sa international minimum standard upang masugpo ang human trafficking.
Ito ang pinakamataas na antas na maaaring igawad sa isang bansa.
Ito ay ayon sa inilabas na 2016 Global Trafficking in Persons o GTIP report ng United States Department of State.
Limang taong nasa Tier 2 ang Pilipinas, ibig sabihin hindi lubusang nakakatupad ang pamahalaan sa trafficking victims protection act ngunit may mga ginagawang hakbang upang maabot ito.
Ayon sa Inter-Agency Council Against Trafficking o IACAT, mayroong apat na uri ng trafficking, ang sexual, labor, organ at children in armed group trafficking.
Noon lamang nakaraang taon, apatnaput dalawang human traffickers na ang nahatulan sa korte, lima sa mga ito ay dahil sa child online sex trafficking habang ang dalawa naman ay sa forced labor.
Tags: Int’l standard laban sa human trafficking, mga nakatutupad, Pilipinas