Pilipinas, itinuturing na pinakamapinsalang bansa sa buong mundo para sa mga Land at Environment Defenders – Global Witness

by Erika Endraca | July 31, 2019 (Wednesday) | 3002

MANILA, Philippines – Itinuturing ng U-K-Based Independent Watchdog na Global Witness ang Pilipinas bilang pinakamapanganib na bansa sa buong mundo para sa mga Land at Environment Defenders.

Batay sa ulat, nasa 30 defenders umano ang nasawi sa Pilipinas noong 2018, at 48 noong 2017 na pinakamataas umano sa buong Asia.

1\3 umano ng mga pamamaslang ay naitala sa mindanao samantalang kalahati naman dito ay may kaugnayan sa agribusiness.

Samantala, ayon naman sa Malacañang, bunsod ito ng pag-aagawan sa lupa ng mga claimants at nagpahayag din ng pagkabahala ang palasyo hinggil sa naturang ulat.

“The government will always be concerned with respect to any violence inflicted against the citizens of this country, whether done by outside forces or by those inside this country ” ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo.

Tags: ,