Desidido ang Pilipinas na maibabalik sa normal ang pakikipag-ugnayan nito sa Kuwait.
Kaya matutuloy ang pagbisita ng delegasyon ni Labor Secretary Silvestre Bello sa Kuwait sa ika-7 ng Mayo upang isulong ang pakikipag-negosasyon sa gobyerno ng Kuwait hinggil sa mga usaping may kaugnayan sa mga overseas Filipino worker (OFW).
Ito ang kinumpirma ng Malacañang matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mananatili ang deployment ban ng mga manggagawang Pilipino sa Gulf state.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, nais ang pamahalaang matiyak na mapapangalagaan pa rin ang kapakanan ng mga OFW na pipiliing manatili duon kahit na hinihikayat ni Pangulong Duterte na umuwi na ang mga ito sa Pilipinas.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )
Tags: Kuwait, OFW deployment ban, Pilipinas