METRO MANILA – Mayroon nang inisyal na kasunduan ang Department of Science and Technology (DOST) vaccine experts panel sa biopharmaceutical company Pfizer.
Ayon kay vaccine Czar Sec Carlito Galvez Jr nagbigay ng commitment ang estados unidos sa pilipinas upang isa ang bansa sa mga pangunahing mabigyan ng supply ng bakuna kapag available na ito sa merkado
“Bilatetal arrangement with the DOST at nakita po natin noong panahon nandyan po si Pres Trump nag-usap po ang ating mahal na presidente na ipa- prioty po ng us ang Philippines” ani NTF Chief Implementer, Vaccine Czar Sec Carlito Galvez Jr.
Ayon naman kay DOST Philippine Council for Health Research and Development Executive Director Jaime Montoya kapag nakakuha ng emergency use ang Pfizer sa Amerika ay mapabibilis na rin ang pag- apruba nito sa Pilipinas.
Ibig sabihin hindi na ito kailangang dumaan pa sa clinical trial at mabilis itong mabibigyan ng certificate of product registration ng Philippine Food and Drug Administration (FDA).
“Of course magandang developmet iyan if this has 90% efficacy. That’s very well, very good. That means if their data truly supports that kind of efficacy then they wille easily get approved in the us and subsequently here in the Philippines.”ani DOST – PCHRD Executive Director, Dr Jaime Montoya.
Bukod sa potensyal na bakuna ng Pfizer, may lima pang vaccine manufacturers mula sa US ang handang magbenta ng kanilang bakuna sakaling maaprubahan ang mga ito.
“So thru Pfizer and other companies like moderna ay meron po tayong tinatawag, at tsaka iyong Novovax, ay meron po tayong tinatawag na innitial arrangment with DOST and our vaccine of expert.” ani NTF Chief Implementer, Vaccine Czar Sec Carlito Galvez Jr.
Ayon din kay Sec Galvez maaring makakuha ng access sa bakuna ang 20% ng populasyon ng Pilipinas sa pamamagitan ng Covax facility.
Ang Gavi Covid-19 vaccines global access o Covax facility ay isang global collaboration ng WHO at iba’t ibang organisasayon para sa mabilis na development at distribusyon ng Covid-19 vaccines, tests at treatment.
Ang potensyal na bakuna ng University of Oxford- Astrazeneca ng Australia ay may magandang evaluation ngayon at pinakamura.
Sa buwan ng Enero ay posible na aniyang makapagbigay ng supply ang Astrazeneca.
“Sa lahat po ng ini-evaluate ng ating panel experts and astrazenica and pinakamababa ang kaniyang presyo with 5 dollars per dose” ani NTF Chief Implementer, Vaccine Czar Sec Carlito Galvez Jr.
(Aiko Miguel | UNTV News)