Inaasahang magkakaroon ng bilateral agreement ang Pilipinas at Bangladesh sa rice trade.
Ayon kay Agriculture assistant secretary Edilberto M. de Luna, payag ang Bangladesh na i-prioritize ang bansa sa pag-luluwas ng kanilang bigas at ibenta ito sa mas murang halaga.
Dagdag pa ni de Luna, kasama sa bilateral agreement ang pagkakaroon ng exchange program ng mga magsasaka bilang training program. Lima hanggang 10 magsasaka ang ipapadala ng bansa sa Bangladesh upang pag-aralan ang iba’t ibang farm practices.
Naunang ipinahayag ng National Food Authority (nfa) na kailangan ng pilipinas na mag-angkat ng 600,000 metric tons ng bigas ngayong 2015. (Josa Ibanez/UNTV Radio)