Pilipinas, idinagdag sa ‘High Risk’ destination list ng US CDC

by Radyo La Verdad | August 17, 2022 (Wednesday) | 7839

METRO MANILA – Idinagdag ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang Pilipinas at 2 iba pang bansa sa listahan ng mga high-risk destination.

High-risk o nasa Level 3 classification din ang Nepal at ang Russia.

Nakasaad sa abiso ng CDC sa mga biyahero na tiyaking up-to-date ang COVID-19 vaccines bago bumiyahe sa Pilipinas.

Kung hindi pa, iwasan munang magtungo ng bansa. At kahit up-to-date na ang bakuna, may banta pa ring mahawa at makahawa ng COVID-19.

Nailalagay sa Level 3 ang isang bansa o teritoryong may 100 kaso ng COVID-19 infections kada 100,000 tao sa nakalipas na 28 araw.

Mula August 8 -14, mahigit 28,000 ang naitalang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Tags: ,