Pilipinas at China naghahanap ng common legal framework para sa joint oil and gas exploration

by Radyo La Verdad | March 22, 2018 (Thursday) | 6851

Nagpulong kahapon sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at Chinese Foreign Minister Wang Yi sa Beijing, China.

Pagkatapos ng pulong, ayon kay Wang itutuloy ng China ang pagsusulong ng joint oil and gas exploration sa South China Sea.

Ayon sa top diplomat ng China, nais nilang maging isang lugar ng pagkakaibigan at pagtutulungan ang South China Sea. Kasalukuyang may agawan ng teritoryo sa lugar.

Bukod sa China at Pilipinas, may claim din sa ilang bahagi ng South China Sea ang Brunei, Malaysia, Taiwan at Vietnam.

Ayon naman kay Secretary Cayetano, naghahanap ng common legal framework ang Pilipinas at China upang maituloy ang joint exploration.

Nitong Pebrero, bumuo ng special panel ang dalawang bansa upang pag-usapan kung paano maisasagawa ang joint offshore oil and gas exploration ng hindi nalalabag ang usapin ng soberenya.

 

( Victor Cosare / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,